Home NATIONWIDE Lisensya ng rider na nagtakip ng plaka para iwas-NCAP sinuspinde ng LTO

Lisensya ng rider na nagtakip ng plaka para iwas-NCAP sinuspinde ng LTO

291
0

MANILA, Philippines- Nag-isyu ang Land Transportation Office (LTO) nitong Biyernes ng 90-day preventive suspension sa driver’s license ng isang motorcycle rider na nagtakip ng kanyang license plate upang makaiwas sa No-Contact Apprehension Policy (NCAP) ng pamahalaan sa Metro Manila.

Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na nahuli ang driver, residente ng San Juan City, matapos makita sa isang viral Facebook post.

“Maliwanag na isa itong pambabastos sa batas. Gaya ng sinabi ng ating DOTr (Department of Transportation) Secretary Vince Dizon, hindi na papayag ang pamahalaan sa mga motoristang katulad nito,” giit ni Mendoza.

Sa Facebook post na may caption na: ‘NCAP? No problem, magaya nga,’ makikita ang isang motorsiklong minamaneho ng rider na nakasuot ng Move It helmet, kung saan ang huling tatlong letra ng plaka ay tinakpan ng packaging tape upang hindi matukoy.

Bukod sa preventive suspension, ipinatawag ang driver was para sa hearing sa LTO Central Office at pinagsusumite ng written explanation kung bakit hindi siya parusahan sa pamamagitan ng show cause order (SCO). RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here