Home ENTERTAINMENT LJ at Kim, socmed friends na!

LJ at Kim, socmed friends na!

Manila, Philippines – Social media friends na sina LJ Ŕeyes at Kim Chiu–ang noon at ngayon sa buhay ni Paulo Avelino.

As far kasi as the KimPau fans are concerned, malinaw ang mga indikasyon that there’s something between the two of them.

Hinala pa nga ng mga fans, naipakilala na ni Paulo si Kim kay Aki, ang anak ng aktor sa dating karelasyong si LJ Reyes.

At naganap nga ang pagpapakilala ni Paulo kay Kim sa New York where LJ and her kids are based.

Dagdag pa ng mga fans, sinadya nga lang daw na hindi maglabas ng “resibo” as to their meetup bilang respeto na rin sa bonding moments ng mag-ama.

‘Yun din daw ang dahilan kung bakit pina-follow ni LJ si Kim, bagay na hindi niya ginawa noong kasagsagan ng rumored romance between Paulo and Janine Gutierrez.

Maliwanag daw na may basbas mula kay LJ ang relasyon nina Paulo at Kim, confident in the thought na nasa mabuting kamay si Aki.

Lalo pang ikinatuwa ng mga KimPau fans nang i-follow back ng Chinita Princess ang dating Starstruck alumna.

Sa ngayon kasi ay sina LJ at Kim na ang madalas mag-communicate since wala nang contact between the former couple.

Ang madalas nga raw topic ng dalawa ay si Aki who LJ feels nga will be well taken care of dahil si Kim ang nobya ni Paulo ngayon.

So, hindi gimik ang KimPau romance? Ronnie Carrasco III