Home NATIONWIDE P51M sinayang ng LTO sa ‘di nagagamit na breathalyzers vs lasing na...

P51M sinayang ng LTO sa ‘di nagagamit na breathalyzers vs lasing na drayber – solon

MANILA, Philippines- Natuklasan ng isang mambabatas kung bakit hindi natitigil ang aksidente, away sa trapiko at road rage ng ilang lasing o bangag na drayber sa kabila ang pagsasabatas ng Republic Act (RA) No. 10586, o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Sa ginanap na pagdinig ng panukalang Fair Traffic Apprehension Act, natuklasan na umabot sa mahigit 700 units ng breathalyzers, na nagkakahalaga ng P51 milyon na may presyong P68,000 bawat isa ang binili ng Land Transportation Office (LTO), pero hindi epektibo kaya hindi nagagamit.

Katunayan, ayon pa sa pagdinig, ibinalik ng Philippine National Police at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa LTO ang gamit dahil ito ay pawang “uncalibrated.”

Nagsasagawa ng pagdinig ang Senate committee on public services, sa pamumuno Sen. Raffy Tulfo, sa Fair Traffic Apprehension Act.

“It seems like nothing has changed and incidents of drunk driving have increased,” giit ng senador.

Iniulat ng PNP Highway Patrol Group (HPG) na tumaas ang insidente ng drunk driving ng mahigit 90 porsyento tulad ng aksidente sa lansangan ng mga lasing na driver. Ernie Reyes