Home METRO Lolo nahulog sa bike, dedbol

Lolo nahulog sa bike, dedbol

PANGASINAN-Patay ang isang 69-anyos na lolo matapos mahulog sa kanyang bisikleta sa bayan ng Natividad ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Enero 4.

Ang biktima ay nagpunta sa Sky Plaza at habang nagbibisikleta pauwi ay bigla itong nawalan ng kontrol pagsapit sa pababang bahagi ng kalsada.

Dahil dito, nahulog ang biktima sa kalsada at tumama ang kanyang ulo sa concrete fence.

Ayon sa doktor, ang agarang pagkamatay ng biktima ay dahil sa intracranial hemorrhage secondary to skull fracture. Rolando S. Gamoso