Home NATIONWIDE Long weekend! Pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day inilipat sa Agosto 23

Long weekend! Pagdiriwang ng Ninoy Aquino Day inilipat sa Agosto 23

MANILA, Philippines – INILIPAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang special non-working holiday para sa Ninoy Aquino Day mula Agosto 21 (Miyerkules) sa Agosto 23 (Biyernes).

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sa pahintulot ni Pangulong Marcos ang Proclamation No. 665, araw ng Huwebes, inamiyendahan ang ‘Proclamation No. 368 series of 2023’ kung saan nakalatag ang regular holidays at special non-working days para sa taong 2024.

Ang pagpapalabas ng nasabing proklamasyon ay para makapagbigay ng ‘long weekend’ para sa mga manggagawa mula Agosto 23 hanggang Agosto 26, araw ng Lunes.

Ang Agosto 26 ay isang regular holiday para sa paggunita sa National Heroes’ Day.

“In order to provide for a longer weekend thereby promoting domestic tourism, the celebration of Ninoy Aquino Day may be moved from 21 August 2024 (Wednesday) to 23 August 2024 (Friday), provided that the historical significance of Ninoy Aquino Day is maintained,” ang sinabi ng Pangulo sa naturang proklamasyon.

Ang Araw ni Ninoy Aquino o Ninoy Aquino Day ay ginugunita tuwing Agosto 21, taon-taon upang pag-alaala sa kanyang pagpanaw noong Agosto 21, 1983 sa Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino sa Terminal 1. Nang siya ay paslangin pababa sa kanyang sinasakyang pangakalakalan (commercial), Hinirang ang Terminal 1 na iyon na ipangalan sa kanya taong 1987 hanggang sa kasalukuyan.

Samantala, inatasan naman ni Pangulong Marcos ang Department of Labor and Employment (DOLE) na magpalabas ng nararapat na circular para ipatupad ang proklamasyon para sa pribadong sektor. Kris Jose