Home NATIONWIDE LPA, magdadala ng maulap, kalat-kalat na ulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

LPA, magdadala ng maulap, kalat-kalat na ulan sa bahagi ng Luzon, Visayas

1
0

MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA, magdadala ang trough ng Low Pressure Area (LPA) ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng silangang Luzon at Visayas ngayong Sabado.

Sa 3 a.m. weather bulletin, namataan ang LPA sa layong 960 kilometro silangan ng Timog-Silangang Luzon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Mababa ang posibilidad na maging tropical depression ito sa loob ng susunod na 24 oras.

Makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at pagkulog ang Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Quezon, at Marinduque. Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may paminsan-minsang pag-ulan o pagkulog dulot ng localized thunderstorms. Posible rin ang pagbaha o pagguho ng lupa kapag lumakas ang thunderstorm.

Mahina hanggang katamtaman ang inaasahang hangin sa buong bansa at bahagya hanggang katamtaman ang taas ng alon sa mga baybayin. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here