Home NATIONWIDE LPA sa labas ng PAR, ‘di inaasahan maging bagyo

LPA sa labas ng PAR, ‘di inaasahan maging bagyo

1
0

MANILA, Philippines – Nabuo ang isang low-pressure area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) dakong alas-2 ng madaling araw nitong Biyernes, ngunit hindi inaasahang magiging bagyo sa loob ng susunod na 24 oras, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang LPA may 2,090 kilometro silangan ng timog-silangang Luzon. Ayon sa weather specialist na si Leanne Loreto, hindi ito inaasahang papasok sa PAR at sa halip ay lalayo pa sa bansa patungong hilagang-silangan.

“Sa halip ito po’y mas lalayo pa sa ating bansa at kikilos pahilagang silangan kung saan ito ay maaaring sumama na lamang sa mas malaking sirkulasyon na malayo sa ating bansa at doon na lamang malusaw,” ani Loreto.

Samantala, inaasahan ang maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Marinduque at Romblon dahil sa trough ng LPA.

Inaasahan din ang mga pag-ulan sa Palawan, Mindanao at nalalabing bahagi ng Visayas dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ), habang maaaring umulan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Aurora dahil sa hanging amihan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang inaasahan dulot ng localized thunderstorms.

Wala namang umiiral na gale warning sa anumang baybayin ng bansa. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here