Home ENTERTAINMENT LT, Nadine, at Chanda, kinabog ng taga-teatro sa MMFF 2024!

LT, Nadine, at Chanda, kinabog ng taga-teatro sa MMFF 2024!

Manila, Philippines – Kinabog ni Kakki Teodoro ang mga kapwa niya nominado sa Best Supporting Actress sa nakaraang Gabi ng Parangal.

Si Kakki ay nasa cast ng Isang Himala.

Papel na ginampanan dati ni Gigi Dueñas sa original film version ang role ni Kakki.

Kinabog lang naman ni Kakki–na taga-teatro– sina Lorna Tolentino at Chanda Romero ng Espantaho, Nadine Lustre ng Uninvited, among others.

Humataw ang Pepe Doikno-helmed movie mula sa panulat ni Ricky Lee sa mga minor awards including Best Musical Score, Best Original Song, among others.

Earlier, matunog ang pangalan ni Chanda sa nasabing kategorya.

Hindi naman inaasahang pang-Best Supporting Actress ang pagganap nina Lorna at Nadine.

Samantala, tinanghal na Best Supporting Actor si Ruru Madrid ng Green Bones.

Tinalo naman ni Ruru si Sid Lucero, Jhong Hilario, Kokoy de Santos atbp. Ronnie Carrasco III