Home NATIONWIDE Mga alituntunin isinaayos ng DepEd para sa kahandaan ng mga iskul sa...

Mga alituntunin isinaayos ng DepEd para sa kahandaan ng mga iskul sa panahon ng kalamidad

MANILA, Philippines- Ini-update ng Department of Education (DepEd) ang mga hakbang at batas nito para palakasin ang paghahanda ng mga eskwelahan para sa kalamidad at iba pang emergency.

Binigyang-diin ng departamento ang kahalagahan ng Learning and Service Continuity Plans (LSCPs) pagdating sa pagliit ng pagkagambala sa learning delivery.

Sa DepEd Order No. 022, s. 2024, nakasaad dito na “the agency provided the revised guidelines on class and work suspensions in schools during typhoons and tropical cyclones, heavy rainfall and floods, earthquakes, power outages, extreme heat, low air quality, and other emergencies and hazards.”

Nagbibigay din ang polisiya ng mga hakbang para tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante at guro habang sinisiguro ang pagpapatuloy ng pag-aaral.

Binigyan naman ng mandato ng LSCP ang mga field offices at eskwelahan para tukuyin ang angkop na Alternative Delivery Modes (ADMs) para sa edukasyon, tiyakin na kahit sa panahon ng kalamidad, ang mga estudyante ay may access sa learning resources.

Ayon sa DepEd, maaaring kabilang sa ADMs ay ang modular distance learning, online education, o blended approaches, depende sa tiyak na pangangailangan at lokal na kondisyon.

Kailangan lamang na magtatag ng LSCP ng protocols para sa safekeeping at storage ng learning materials at devices para mapigil ang pinsala sa panahon ng kalamidad.

Gayundin, ang plano ay kailangan ng detailed procedures para sa distribusyon ng mga nasabing materyales, tiyakin na ang mga mag-aaral ay madaling magkakaroon ng access kung kinakailangan.

Isinama rin ng LSCP ang guidelines o mga alituntunin para sa paggamit sa mga guro, school heads, at iba pang staff sa panahon ng emergency.

“Training programs and capacity building activities, such as Learning Action Cells, must be pivoted to prepare educators for the challenges of remote or alternative teaching methods,” ang winika ng DepEd. Kris Jose