Home HOME BANNER STORY LTFRB humirit ng Comelec exemption para sa fuel subsidy, ‘Libreng Sakay’

LTFRB humirit ng Comelec exemption para sa fuel subsidy, ‘Libreng Sakay’

1
0

MANILA, Philippines — Humiling ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Commission on Elections (Comelec) na payagang magpatuloy ang ilang public transport programs sa gitna ng election spending ban kaugnay ng 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay LTFRB acting chairman Greg Pua Jr., kabilang sa hinihinging exemption ang Service Contracting Program, EDSA Busway Extension at Love Bus “Libreng Sakay,” Fuel Subsidy Program, at mga nagpapatuloy na aktibidad sa ilalim ng Public Transport Modernization Program (PTMP).

Saklaw ng fuel assistance ang one-time subsidy at P12 kada litrong fuel discount para sa mga kuwalipikadong operator at driver ng public utility vehicles.

Sa liham kay Comelec na may petsang Setyembre 15, iginiit ng LTFRB na ang mga programa ay nagpapatuloy na government initiatives at hindi election-related o partisan activities.

Ani Pua, layunin ng mga ito na mapanatiling tuloy-tuloy, abot-kaya, ligtas at maaasahan ang pampublikong transportasyon, lalo na sa gitna ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Nauna nang pansamantalang itinigil ng LTFRB ang pamamahagi ng P12-per-liter fuel subsidy dahil sa election ban habang hinihintay ang pahintulot ng Comelec.

Tiniyak naman ng ahensya na kapag pinayagang magpatuloy ang mga programa, mananatili ang mga requirement sa eligibility, dokumentasyon, validation, accounting at auditing at walang magiging partisipasyon ang mga kandidato o partidong politikal sa pagpapatupad ng mga ito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here