MANILA, Philippines – Patuloy na maaapektuhan ng habagat ang Luzon at ang kanlurang bahagi ng Visayas sa Martes, iniulat ng PAGASA.
Samantala, binabantayan din ng weather bureau ang isang tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Matatagpuan ang Tropical Storm Ampil sa layong 1,570 kilometro silangan hilagang-silangan ng extrme Northern Luzon na may lakas na hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 80 kph, at mabagal na kumikilos pahilagang-kanluran.
Ang Ilocos Region, Zambales, Batanes, at Babuyan Islands ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may mga pagbaha o pagguho ng lupa na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Kanlurang Visayas, at Negros Island Region ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa habagat na may posibilidad na magkaroon ng mga pagbaha o pagguho ng lupa sa panahon ng matinding pagkidlat.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized na thunderstorm na may posibleng flash flood o landslide na magaganap sa panahon ng matinding pagkulog.
Ang forecast ng bilis ng hangin para sa Luzon ay mahina hanggang sa katamtaman na kumikilos sa timog-kanluran na may bahagya hanggang sa katamtaman ang tubig sa baybayin.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa timog hanggang timog-kanluran direciton na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon sa baybayin.
Sumikat ang araw ng 5:42 a.m., at lulubog ito ng 6:20 p.m. RNT