Home NATIONWIDE M-4.4 na lindol sa Batangas ‘di konektado sa Taal Volcano

M-4.4 na lindol sa Batangas ‘di konektado sa Taal Volcano

BATANGAS CITY – Nilinaw ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ligtas ang lahat matapos ang magnitude 4.4 na lindol na yumanig sa lalawigan nitong Lunes ng gabi, Abril 8.

“Ang lindolay tectonic at walang kinalaman sa aktibidad ng Taal Volcano. Ito ay dahil lamang sa paggalaw ng lupa sa ilalim ngunit walang indikasyon para sa tsunami alert,” anu Dr. Amor Calayan, PDRRMO head.

Idinagdag niya na habang ang bulkan ay nasa Level 1 na alerto, walang nakaambang na pagsabog kasunod ng lindol sa 9:57 p.m.

Naitala ang sentro ng lindol sa bayan ng Calatagan, isang destinasyon ng turista na kilala sa malinis nitong puting buhangin na dalampasigan at mayamang pamana ng kultura.

Sinabi ng Department of Science and Technology – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-Phivolcs) na may lalim itong 101 km at naramdaman din sa Magallanes, Cavite.

Sa ilalim ng Alert Level 1 (low-level unrest), hindi pinapayagan ang pagpasok sa Taal Volcano Island, occupancy at boating sa Taal Lake, ayon sa Phivolcs.

Tiniyak ni Calayan sa mga bumibisitang turista na nakahanda ang PDRRMO at mga lokal na DRRMO na tumugon sa anumang emergency sa buong lalawigan. Santi Celario