Home METRO Mag-ama huli sa buy-bust

Mag-ama huli sa buy-bust

SILAY ITY-KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang ama at anak nitong babae na nasa high value target matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation noong Huwebes sa lungsod na ito.

Nakakulong ngayon sa Silay Police Station ang suspek na si Elizabeth Bermejo, 31-anyo , habang ang nito ay kinilalang si Apolinario, 72, kapwa residente ng Sitio Dacutan Diotay, Barangay Guinhalaran, Silay City, Negros Occidental .

Ayon kay Police Major Rhea Sarah Villanueva, officer-in-charge ng Silay City Police Station, nakuha kay Elizabeth ang 14 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang ₱95,200.

Sinabi ng pulisya, nakatanggap sila ng report hinggil sa iligal na aktibidades ng anak na babaeng suspek at isinailalim ito sa monitoring at ng magpositibo agad na inilatag ang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip kay Elizabeth.

Pinosasan naman ang ama ng suspek matapos manlaban ito at nagpupumiglas sa mga humuhuling pulis.

Nahaharap sa kasong obstruction of justice ang matandang Bermejo habang anak nito ay nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs./Mary Anne Sapico