MANILA, Philippines – Inaresto ng pulisya ang mag-asawa sa hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.7 milyon sa operasyon sa Pavia, Iloilo nitong Huwebes, Marso 13.
Kinilala ang mga suspek na sina Cyril at asawa nitong si MJ.
Nahuli ang mag-asawa matapos pagbentahan ng shabu ng police poseur-buyer na nagkakahalaga ng P15,000.
Narekober sa mga suspek ang kabuuang 400 gramo ng shabu.
Isinailalim sa surveillance sa loob ng dalawang linggo ang mga suspek bago sila naaresto.
Ayon sa mag-asaw, nakukuha nila ang suplay mula sa Iloilo City at ikinakalat sa Pavia at mga kalapit na bayan. RNT/JGC