Home METRO Mag-ina binaril-patay ng selosong loverboy

Mag-ina binaril-patay ng selosong loverboy

CEBU CITY – NALILIGO sa sariling dugo at wala ng buhay nang matagpuan ang katawan ng mag-ina matapos silang barilin ng dating lover boy ng 38-anyos na ginang, iniulat kahapon sa bayan ng Carcar.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jennive, 38, at anak nitong si Valerie Megan Abella, 14, grade 8 student at kapwa residente ng Sitio San Roque, Barangay Valladolid, ng bayan.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si Jetur LapiƱa, 64, real estate agent at nakatira sa nasabing luga.

Ayon kay P/Lt. Col. Rolando Barraquio, hepe ng Carcar City Police Station, bandang 7:00 PM naganap ang krimen sa bahay ng mag-ina sa naturang lugar.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya, bago ang krimen nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at si Jennive hanggang sa nakarinig na lamang ng mga putok ng baril ang kanilang kapitbahay.

Dito, nakita na lamang nilang duguan ang mag-ina kaya agad silang humingi ng tulong sa pulisya.

Sa pagresponde ng mga awtoridad sa nabanggit na lugar, naabutan nila ang mag-ina na may mga tama ng bala .45 kalibre na baril sa tiyan at kapwa wala ng buhay.

Sa pahayag naman ng kapatid ng biktima na si Jennive, madalas nagtatalo ang suspek dahil sa selos ng huli.

Agad naman nagsagawa ng manhunt operation ang mga otoridad na nagresulta sa pagdakip sa suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong double murder./Mary Anne Sapico