Home METRO Mag-live-in partner na ikakasal sa Setyembre, patay sa bangga

Mag-live-in partner na ikakasal sa Setyembre, patay sa bangga

1
0

CEBU CITY — Nasawi ang isang mag-live-in partner matapos bumangga sa poste ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay Busay, Cebu City.

Batay sa kuha ng CCTV, makikitang may iniwasang kasalubong na sasakyan ang motorsiklo habang dumaraan sa pakurbadang bahagi ng kalsada.

Sa pag-iwas, nawalan umano ng kontrol ang motorsiklo at bumangga sa poste. Sa lakas ng impact, tumilapon ang dalawang sakay at umikot sa ere ang motorsiklo.

Wala nang buhay ang mga biktima nang datnan ng mga awtoridad.

Ayon sa pulisya, nakatakda sanang ikasal ang mag-partner ngayong Setyembre.

Patuloy pang inaalam ang iba pang detalye ng aksidente, habang sinisikap ding makuha ang pahayag ng pamilya ng mga biktima. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here