MANILA, Philippines — Isang magnitude 5.8 na lindol ang tumama sa karagatan sa Occidental Mindoro nitong Biyernes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naitala ang lindol dakong 10:38 ng umaga, nasa 21 kilometro timog-kanluran ng Mamburao, at may lalim na 10 kilometro.
Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng mga aftershock. RNT