Home OPINION MAHALAGA HATOL NG KORTE SUPREMA SA KASO NI SEN. DELA ROSA

MAHALAGA HATOL NG KORTE SUPREMA SA KASO NI SEN. DELA ROSA

66
0

ANG mga desisyon ng Korte Suprema ay hindi lamang nagiging ” part of the law of the land” kung hindi nagiging parte din ng kasaysayan. Maraming desisyon ang Mataas na Hukuman na hindi lamang nakaapekto sa mga magkabilang panig ng kaso kung hindi sa buhay ng pilipino. Tama man o mali sa pananaw ng mga “self-proclaimed constitutional experts, media personalities, influencers, politiko at iba pa” ang hatol ng Korte Suprema ay final at dapat sundin sa isang demokrasya.

Sa kaso ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ay “denied” ang hiningi niyang temporary restraining order. Tapos na ba kaso? HINDI . Mismo ang Korte Suprema ang nagsabing- the denial only applies to the request of interim relief. THE SUBSTANTIVE ISSUES such as the jurisdiction of the International Criminal Court and the enforcement of its warrant despite the Philippines withdrawal from the Rome Statute are still subject to the ongoing judicial review.

Ibig sabihin ay “valid” ang ICC Warrant? Walang sinabi ang Korte Suprema pero maaaring ipatupad dahil “the High Court found no extreme or urgent necessity to issue immediately TRO or Status quo order against local and international enforcement agencies.”

Kaya lang, hindi nakitaan ng Korte Suprema ng EXTREME OR URGENT NECESSITY para mag-issue ng TRO.

Kaya pwedeng ipatupad ang warrant laban kay “Bato” at arestuhin siya? Oo, pero may proseso kapag nahuli siya at ito nga ang isang issue. Pwede bang ilipad agad patungo Hague kapag naaresto si Bato?

Iyan ang ginawa ng pamahalaan kay dating President Digong Duterte at malamang ay ganyan din ang plano kay Bato. So, dahil walang TRO sa pag-aresto sa senador ay pwede na siya kaagad-agad ilipad sa the Hague?

Sa puntong ito ay maaaring magfile ulit ng motion si Bato na mag-issue ng TRO sa paglipat sa kanya agad-agad sa the Hague dahil may ” extreme and urgent necessity na” dahil kapag nailipad na siya “Goodbye Senator Bato dela Rosa na!”

Sa Rules of Court ay nakasaad Rule 113 section 3.

It SHALL BE THE DUTY of the officers executing the warrant to arrest the accused and DELIVER HIM to the nearest police station or jail without necessary delay.

Hindi sa helicopter o eroplano siya dapat dalhin palipad ng The Hague kung hindi sa nearest police station o jail.

Pero di ba’t hindi dapat i-enforce ang ICC Warrant kung hindi dadaan sa local judge? Iyan ang isa pang issue na dapat desisyunan ng Korte Suprema.

Sa kabilang banda ay nag anunsyo ang National Bureau of Investigation na marami pang maaaring maaresto dahil sa ilalabas na warrant of arrest ng ICC. Syempre, tuwang-tuwa ang mga anti- Duterte sa pahayag na ito. Kaya naman importanteng mailatag ng Korte Suprema ang desisyon sa kaso ni dela Rosa bago pa mangyari ito.

Hihintayin natin ang makasaysayang desisyon ng Korte Suprema.

Baka dumating ang araw sa panunungkulan ni PBBM ay isang legacy na ipagmamalaki niya at ng mga kaalyado niya na siya ang pinakamaraming Pilipinong ipinakulong sa The Hague.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here