Home METRO Mahigpit na checkpoint ipinatupad sa BARMM

Mahigpit na checkpoint ipinatupad sa BARMM

1
0

COTABATO CITY, Philippines – Nagsimula nitong Hulyo 16 ang election period para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kasabay ng pagpapatupad ng gun ban at paglalagay ng mga checkpoint sa buong rehiyon.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia, nagsimula ang election period alas-12:01 ng madaling araw.

“12:01 a.m. start na po ng election period sa BARMM. Checkpoints will be set up in all 105 municipalities and 3 cities to implement the gun ban,” aniya.

Tatagal ang election period hanggang Setyembre 29, 2026, habang ang campaign period ay mula Hulyo 30 hanggang Setyembre 12, 2026. Gaganapin ang BARMM parliamentary elections sa Setyembre 14.

Pinag-aaralan din ng Comelec ang akreditasyon ng mga media organization sa BARMM para sa election coverage at tinutukoy ang dominanteng majority at minority regional political parties na bibigyan ng access sa election server.

Naimprenta na rin ng Comelec ang computerized voters’ list (CVL) para sa halalan. Naglalaman ito ng mga pangalan at voter numbers ng mga botante, habang ang election day CVL ang lalagdaan ng mga botante matapos bumoto. Sasailalim pa ang mga ito sa beripikasyon bago ipamahagi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here