Home NATIONWIDE ‘Mahiya Naman Kayo Act’ inihain ni Padilla

‘Mahiya Naman Kayo Act’ inihain ni Padilla

276
0

MANILA, Philippines — Inihain ni Senador Robin Padilla ang Senate Bill No. 1299 o “Mahiya Naman Kayo Act” na naglalayong ipagbawal ang pakikialam ng mga mambabatas sa pagpili at paglalaan ng pondo para sa mga lokal na imprastruktura.

Giit ni Padilla, tungkulin ng Kongreso ang paggawa ng batas at pag-apruba ng pambansang pondo sa pamamagitan ng General Appropriations Act, at hindi ang pakikialam sa lokal na proyekto.

“Members of Congress have reportedly exerted influence over the identification and prioritization of infrastructure projects at the local level, often through informal channels or post-enactment budget insertions,” paliwanag ng senador.

Dagdag niya, ang naturang gawain ay sumisira sa prinsipyo ng separation of powers, nagpapalakas ng patronage politics, nagpapabagal ng paggugol ng pondo, at nagbubukas ng pintuan para sa korapsyon.

Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal sa mga mambabatas na:

Magpasimula, tumukoy, mag-endorso, magpasok o maka-impluwensya sa pagpili ng lokal na proyekto gamit ang pambansang pondo;

Mag-utos o magmungkahi sa alinmang ahensya ng gobyerno o LGU ng partikular na proyektong imprastruktura;

Manghimasok sa procurement, kontrata, pagtatalaga ng mga personnel, at pag-release ng pondo;

Umaktong kontratista, supplier, implementer, o middleman ng proyekto.

Sakaling lumabag, maaaring maharap ang mambabatas sa kasong kriminal sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019), Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713), o iba pang umiiral na batas penal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here