Home NATIONWIDE Majority bloc, hinimok ni Bam na bumalik sa pagtatrabaho para sa bayan

Majority bloc, hinimok ni Bam na bumalik sa pagtatrabaho para sa bayan

46
0
Pinangunahan ni Senador Bam Aquino ang pagdinig ng Komite sa Batayang Edukasyon upang talakayin ang Senate Resolution No. 252 o ang mga Pampubliko-Pribadong Pakikipagtulungan bilang pangunahing estratehiya upang matugunan ang pagsisikip ng mga silid-aralan."Mahigpit na kinakailangan ang isang buong bansa, buong gobyerno na lapit upang matugunan ang krisis sa edukasyon. Ang pondong ito ay dapat gamitin upang magtayo ng mga silid-aralan sa tamang presyo, sa tamang paraan, at sa tamang oras,” sabi ni Aquino nitong Lunes, Pebrero 9, 2026.

MANILA, Philippines – Habang naghahanda ang Senado na mag-adjourn sine die ngayong Miyerkules, nanawagan si Senador Bam Aquino sa miyembro ng majority bloc na bumalik sa sesyon at ipagpatuloy ang pagtalakay sa mga panukalang batas makikinabang ang sambayanang Pilipino.

Ginawa ni Aquino ang panawagan matapos muling hindi dumalo ang mayorya sa sesyon sa ikalawang sunod na araw, na nakaapekto sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa ilang mahahalagang panukala at iba pang usaping lehislatibo.

Ayon kay Aquino, bagama’t magkakaiba ang pananaw at pinanggagalingan ng mga senador, iisa ang kanilang responsibilidad na paglingkuran ang taumbayan at pangalagaan ang kinabukasan ng bansa.

“Isang araw na lang bago matapos ang session. Lahat kaming senador hinalal, at lahat sa amin ay inaasahan ng ating mga kababayan na ipaglaban ang kanilang kapakanan at kinabukasan,” wika ni Aquino.

“Sa aking mga kasama, isang panawagan: Kailangan na nating bumalik sa Session Hall ng Senado at magtrabaho para sa bayan,” dugtong pa niya.

Sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba, nagpahayag si Aquino ng paniniwala na nananatiling tapat ang bawat senador sa paglilingkod-bayan at sa pagpapanatili ng integridad ng Senado.

“Maraming pagkakaiba sa ating mga kapwa senador; iba’t ibang pananaw, at iba’t ibang pinanggagalingan. Minsan magkatunggali at maraming beses ding may alitan,” giit ni Aquino.

“Pero naniniwala ako na lahat ay may malalim na pagkilala sa ating tungkulin sa bayan at nagmamahal pa sa ating institusyon,” punto pa ng Senador.

Binigyang-diin ni Aquino na dapat manatiling nakatuon ang mga senador sa pagtupad sa kanilang mandato at sa pagsusulong ng mga panukalang magbibigay ng benepisyo sa mamamayang Pilipino. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here