Home OPINION MALACAÑANG NAIS MALINIS, TAPAT NA HALALAN?

MALACAÑANG NAIS MALINIS, TAPAT NA HALALAN?

239
0

WALANG kokontra kapag sinabi ng inyong Juan De Sabog na lahat naman ng Pilipino ay umaasam ng malinis at tapat na halalan ngayong araw ng Lunes, Mayo 12.

Sino ba ang may gusto na maging magulo o madugo ang 2025 midterm elections? Tanging mga may katok sa ulo ang mga nagnanais na naging magulo ang pagpili natin ng mga lider na siyang maluluklok sa pwesto.

Dalangin ng lahat ng sektor ng relihiyon na maging mapayapa at maayos ang halalan ngayong araw. Isinama nila iyan sa mataimtim na panalangin lalo na kahapon, araw ng Linggo.

Isingit lang ng inyong lingkod ang pagbati ng “Happy Mother’s Day” sa lahat ng ina na nagbigay ng buhay sa atin at gumabay sa atin upang marating ang ating kinalalagyan sa ngayon.

Samantala, upang matiyak na malinis at walang dayaan ang halalan 2025, ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Commission on Elections at Department of Information and Communications Technology na bumuo ng 24/7 threat monitoring center para sa honest, orderly at peaceful elections.

Iniyabang ng Pangulong Marcos na ang 24/7 Threat Monitoring Center ang kauna-unahan at mayroong real digital command post.

Pero ano ba ang layunin nitong monitoring center na ito? Eh ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, binuo ito upang tukuyin, pigilin at tapusin ang online misinformation and disinformation.

Hesusmaryosep naman talaga itong pamahalaan, mas pinatutuunan talaga ng pansin ang ‘fake news’ kaysa pagseserbisyo ng maayos sa sambayanan.

Sabi pa ni Auntie Claire, ang pagbuo ng 24/7 Threat Monitoring Center ay patunay na mabilis kumilos ang gobyerno at nagkakaisa kapag katotohanan na ang nakataya.

ANO? Naririnig ba niya ang kanyang sarili? Akala ko naman kaya tinawag na 24/7 Threat Monitoring Center ay upang mabatid kung sino-sino sa mga kandidato ang nakatatanggap ng banta sa kanilang buhay. Kasi iyon ang isinasaad ng pangalan ng center.

Ay baka tulad lang ang inyong lingkod ni Auntie na mali ang pang-unawa sa mga isyu at mga dialogue ng mga tao noon at ngayon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here