Home HOME BANNER STORY Malacañang sa SSS rate: ‘Pabayaan na natin muna’

Malacañang sa SSS rate: ‘Pabayaan na natin muna’

MANILA, Philippines- Sinabi ng Malacañang nitong Martes na hahayaan nito na matuloy ang contribution rate hike ng Social Security System (SSS) “to let it produce results,” binanggit na base ang polisiya sa “actuarial studies.”

Ang nasabing adjustment ay ang huling tranche ng serye ng contribution rate hikes sa ilalim ng Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018, na nagtaas sa mandatory contribution mula 12 percent noong 2019 hanggang 15 percent ngayong taon.

“Ang ganiyang mga increases they are studied based on actuarial information… Mayroon silang pag-aaral tungkol diyan,” giit ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press conference sa Malacañang.

“If we always meddle in the management of their affairs where they specialize, it will not work. Pabayaan na natin muna… Why don’t we just let that process continue and let it produce results,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni SSS President Robert Joseph De Claro na hindi pa niya direktang nakakausap si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ukol sa isyu, subalit iginiit na bagama’t hindi inaasahang makaaapekto ang dagdag-singil sa pondo, kinakailangan ito upang tugunan ang agarang pangangailangan ng mga miyembro nito. RNT/SA