Home NATIONWIDE Malakanyang nagdeklara ng local holidays para sa buwan ng Hunyo

Malakanyang nagdeklara ng local holidays para sa buwan ng Hunyo

53
0

MANILA, Philippines – NAGDEKLARA ang Malakanyang ng special non-working days sa ilang munisipalidad, lungsod at lalawigan para ngayong buwan ng Hunyo para payagan ang mga residente na magpartisipa sa pagdiriwang ng lokal na kaganapan.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1273, ang Hunyo 3 ay idineklarang special non-working day sa munisipalidad ng Ayungon, Negros Oriental para sa pagdiriwang ng 102nd township anniversary nito.

Idineklara rin ang special non-working day sa Santa Cruz, Laguna sa Hunyo 4 para sa Kesong Puti Festival nito.

Gayundin, ang lalawigan ng Zamboanga del Norte ay magkakaroon ng special non-working day para sa pagdiriwang ng 74th founding anniversary nito sa Hunyo 6.

Habang sa Hunyo 9 ay special non-working day sa munisipalidad ng Rosario, Batangas para sa founding anniversary nito, at sa darating na Hunyo 15 ay special non-working day naman para sa lalawigan ng Pampanga para sa 35th anniversary ng pagputok ng Mt. Pinatubo.

Sa pamamagitan ng Proclamation No. 1276, idineklara ang Hunyo 17 bilang special non-working day sa Lapu-Lapu City para sa 65th charter anniversary nito.

Idineklara rin ng Malakanyang ang Hunyo 18 bilang special non-working days sa anim na munisipalidad: Ambaguio, Nueva Vizcaya; Kalilangan, Bukidnon; Carmen, Davao del Norte; Presentacion, Camarines Sur; Calintaan, Occidental Mindoro; at San Fernando, Bukidnon.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1278, ang Hunyo19 ay idineklarang special non-working day sa Laoag City, Ilocos Norte, para sa charter anniversary nito, habang ang Proclamation No. 1259 ay nagdeklara sa Hunyo 23 bilang special non-working day sa Tabuk City, Kalinga para sa founding anniversary nito.

Sa darating na Hunyo 24, special non-working day sa munisipalidad ng Tiaong, Quezon para sa pagdiriwang ng Kapistahan nito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here