Home NATIONWIDE Malakanyang, nangako ng walang humpay na suporta sa trabaho para sa mga...

Malakanyang, nangako ng walang humpay na suporta sa trabaho para sa mga pinoy

65
0

MANILA, Philippines – Nangako ang Malakanyang na nananatiling magbibigay ng suporta sa trabaho para sa mga filipino para tulungan ang mga ito na mapabuti ang kanilang buhay.

“Hindi papabayaan ng ating pamahalaan at ng ahensyang DOLE (Department of Labor and Employment) na kayo ay manatiling walang trabaho,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Winika ni Castro na ang gobyerno ay may ilang programa na dinisenyo para lumikha ng trabaho at palawigin ang oportubidad para sa mga filipino.

Sinabi pa nito na patuloy na paiigtingin ng DOLE ang employment facilitation nito para palakasin ang Public Employment Services Offices sa iba’t ibang local government units.

“Complementing the efforts are DOLE’s youth employability programs such as the Special Program for the Employment of Students, which offers short-term employment to out-of-school youth or dependents of displaced workers; the Government Internship Program, which provides a three- to six-month public internship opportunity to high school, technical-vocational, or college graduates, and the JobStart, which prepares young Filipinos for employment,” ayon sa ulat.

“Sa mga naghahanap ng pagkakakitaan, nariyan po ang livelihood program, hindi lamang ng DOLE kundi pati na rin ng DTI (Department of Trade and Industry) at DSWD (Department of Social Welfare and Development). Kasama na rin po dito ang OWWA (Overseas Workers Welfare Administration) at DMW (Department of Migrant Workers),” ang sinabi ni Castro.

Para sa temporary employment, ang DOLE ay mayroong Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, nagsilbi bilang social safety net para sa ‘displaced, underemployed, o seasonal workers.’

Gayundin, hinikayat ni Castro ang publiko na magpartisipa sa government-conducted job fairs.

“So, kapag nakita ninyo ang mga job fair na ipinapatupad, magbigay lang din kayo ng oras at baka kayo ay maging suwerte na makakuha agad ng trabaho,” ang tinuran ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here