Home NATIONWIDE Malaking bahagi ng bansa uulanin sa Habagat

Malaking bahagi ng bansa uulanin sa Habagat

212
0

MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Southwest Monsoon o Habagat sa Central at Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong Martes, Hunyo 10.

Ayon sa PAGASA, bukod dito ay mayroon ding minomonitor na tropical cyclone sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang tropical depression ay huling namataan 600 kilometro kanluran timog kanluran ng Bacnotan, La Union o 535 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 55 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong southwestward sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Ngayong araw, makararanas ng occasional rains dahil sa habagat ang Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan.

Ang Metro Manila, Visayas, CALABARZON, Bicol Region, nalalabing bahagi ng Central Luzon at MIMAROPA ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil din sa habagat.

Samantala, ang Mindanao ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa habagat.

Habang ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here