MANILA, Philippines – Prinotektahan umano ng Sierra Madre ang ilang bahagi ng Luzon mula sa mas matinding epekto ng Super Typhoon Pepito.
Ayon sa ulat, nagawang pababain ng Sierra Madre mountain range ang epekto ng bagyo sa kumpara sa malalakas na pag-ulan na naranasan sa Catanduanes at ilang isla sa Quezon Province.
“Nakakatulong ‘yan and then ang isa pang factor noon sa pag hina niya, nasa lupa na siya, yung moisture na nae-enhance ng bagyong si Pepito unti-unting nababawasan kung ikukumpara natin habang nasa dagat siya,” ayon kay PAGASA officer-in-charge Juanito Galang.
Ang Sierra Madre ay ang longest mountain range sa bansa sa habang 540 kilometro mula Cagayan province patungong Quezon province. RNT/JGC