Manila, Philippines – Finally, maraming Maloleño ang natuwa nang in-announce ni Malolos Mayor Christian D. Natividad na plano nang ibalik ng city governmeny ang Malolos Film Festival.
As of now ay nasa planning stage pa lang ito at gagawin pa lang ang implementing rules and regulations.
Sinabi ni Mayor Christian na pwedeng gamitin dito ng mga participants ang vertical camera o ang cellphone camera para makapag-shoot ng short film or full length film.
FYI ay ginagawa na rin talaga ng mga indipendent films ang cellphone camera sa paggawa ng pelikula na ipinapalabas na rin sa mga commercial theaters.
May ilang mga veteran industry players na rin na napipisil si Mayor Christian para maging festival director ng Malolos Film Festival.
The last time na nagkaroon ang Malolos ng film festival ay noon pang year 2015 kung saan ay lagpas isang dekada na ang nakalipas.
Pinag-iisipan na ring mabuti ng mga think tanks ng Malolos Film Festival kung ano ang magiging theme ng mga would be participants.
May nag-suggest na i-feature ng mga participants ang mayamang historical sites sa Malolos.
May nagsabi rin na pwedeng gawing theme ang mature based solution project ni Mayor Christian na ginagamit for flood mitigation sa isang island sa barangay ng Pamarawan.
Ang flood control project na ito ay hindi gumagamit ng semento at bakal, instead, bamboo at talaba shells ang pangunahing ginagamit.
Ginagawa daw nilang pang-kolekta ng sediments ang mga kawayan at talaba at kapag ready na ay tataniman ng mga bakawan o mangroves.
Sa dating bahain na bansang Netherlands daw ni Mayor Christian nakuha ang idea at sa kaka-aral niya, naging chummy na niya ang ambassador ng nasabing bansa and even the king himself, kung saan ay sila na raw ang nagse-share ng knowledge at technology sa Malolos.
Dahil sa efforts na ito ni Mayor Christian, ang ang tawag na daw ngayon dito ay “building with nature” project—at madalas siyang maimbitahan sa ibang bansa to talk about it.
If plans will push thru, sakto ang Malolos Film Festival dahil this coming September 28-30, ang Malolos City ang magho-host ng ASEAN Environmental Summit.
Goodluck sa lahat ng magandang plano ni Mayor Christian lalo na sa Malolos Film Festival. JP Ignacio