Home ENTERTAINMENT Rosmar, pinasaringan si Ivana?

Rosmar, pinasaringan si Ivana?

1
0

Manila, Philippines – After Inah de Belen, ang susunod bang makakabangga ni Rosmar Tan ay kapwa content creator na si Ivana Alawi?

Looks like there’s a looming war between the two.

May kinalaman ito sa pamimigay ng Kapamilya actress ng iPhone 17 kapalit ng suporta sa ineendorso niyang online gambling site.

Sa kanyang Facebook account, in-announce ni Rosmar na tuloy ang pamimigay niya ng iPhone sa kanyang mga supporter.

Pero giit niya, kailanman daw ay hindi siya magpo-promote ng sugal.

Lagi naman daw niya kasi itong ginagawa: “Pero hindi pa din ako magpo-promote ng sugaaaal! Anong kulay ang gusto n’yo?”

Matik na gets na ng mga netizens kung para kanino ang post na ‘yon ni Rosmar.

Binarag kasi si Ivana lately dahil sa kapalit ng pamimigay niya ng 100 units ng iPhone 17.

Umabot daw ang bili niya niyon ng P4-5 million.

Dismayado ang mga supporters ng actress-vlogger sa hinihinging kapalit nito.

Mag-promote ba ng sugal na nakakasira ng buhay ng tao?!

Oo nga naman! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here