Home NATIONWIDE Manila Archdiocese nagtalaga ng 24 simbahan bilang Jubilee Churches

Manila Archdiocese nagtalaga ng 24 simbahan bilang Jubilee Churches

MANILA, Philippines – Itinalaga ng Archdiocese of Manila ang 24 na simbahan bilang “Jubilee Churches” kaugnay ng pagdiriwang ng “OrdinaryJubilee of the Year 2025” na idineklara ni Pope Francis.

Ayon kay Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula, ang mga Simbahan, dambana at sagradong lugar na itosa Metro Manila ay pinili ng Presbyteral Council at nang ad hoc committee sa Archdiocesan Celebration of Jubileo Taong 2025, bilang paghahanda para sa aktibidad sa susunod na taon at isinasaalang-alang ang mga pangangailangan ng mga mananampalataya gayundin ang pagkakataon na mapangalagaan ang banal na pagnanais na makamit ang Indulhensiya.

Sinabi rin ng Cardinal na ang mga iminungkahing Jubilee Churches ay magiging “gathering points para sa mga pilgrims at mga aktibidad, kaugnay ng kani-kanilang sektor, upang matulungan ang mga tao na muling matuklasan ang tunay na kahulugan ng Banal na Taon, lalo na sa pamamagitan ng katekesis at Sakramento ng Pagkakasundo.”

Ang mga sumusunod na itinalaga bilang Jubilee Churches ay ang EDSA Shrine (Our Lady of EDSA) sa Quezon City para sa government officials at workers, armed forces, police, at security personnel; Chapel ng St. Lazarus sa San Lazaro Hospital, Manila City para sa may sakit, healthcare workers, at people with disabilities; San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City para sa mga kabataan, youth, at students; Archdiocesan Shrine ng Santo Niño, Manila City para sa mga bata; Archdiocesan Shrine and Parish of Our Lady of Loreto, Manila para sa pamilya, grandparents, at matatanda; at National Shrine of the Sacred Heart, Makati City para sa entrepreneurs at business owners.

Kasama rin sa listahan ang San Jose de Trozo Parish, Manila City para sa mga manggagawa at labirwrs; San Ildefonso Parish, Makati City para sa mga young adult at professional; Saint John Bosco Parish, Makati City para sa mga artista, musical band, at mga atleta; San Fernando de Dilao Parish, Manila City para sa mga edukador; Archdiocesan Shrine of Espiritu Santo, Manila City para sa confraternities, ecclesial movements, associations, at bagong komunidad; San Carlos Seminary, Makati City para sa mga seminarista, deacon, pari, obispo, consecrated person, at mga misyonero; at Minor Basilica at National Shrine of San Lorenzo Ruiz, Manila City para sa mga katekista at boluntaryong manggagawa.

Ang National Shrine of Our Lady of the Abandoned, Lungsod ng Maynila para sa mga mahihirap at ulila;Lady of Sorrows Parish, Pasay City para sa mga bilanggo at kanilang pamilya; National Shrine of Our Lady of Guadalupe, Makati City para sa ecumenical at inter-faith; Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia, Manila City para sa mga migrante at refugee; San Pablo Apostol Parish, Manila City para sa ekolohiya; at Landmark Chapel, Makati City para sa mga digital communicators, ay magsisilbi rin bilang Jubilee Churches.

Napilitan rin bilang Jubilee Churches ang The Manila Cathedral; National Shrine of Saint Jude Thaddeus; Quiapo Church; National Shrine of Saint Michael & The Archangels; at Minor Basilica of San Sebastian, na matatagpuan lahat sa Manila.

Sinabi ng archdiocese na ang mga Simbahan at dambana ay magpaplano ng mga aktibidad na may kaugnayan sa Jubilee Celebration sa Roma.

“These Jubilee Churches will organize and make available for the people of God the following activities: catechesis, and regular celebration of the Sacrament of Reconciliation,” sabi ni Advincula.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)