Home ENTERTAINMENT Marc, willing maggparaya kay Ate Vi!

Marc, willing maggparaya kay Ate Vi!

Manila, Philippines – Kay Finance Secretary Ralph Recto na nanggaling na kinokonsider daw ng kanyang misis na si Vilma Santos na tumakbong muli bilang gobernador ng lalawigan ng Batangas.

Pero paano ‘yan kung balitang sa appointment ni Batangas Gov. Dodo Mandanas bilang Executive Secretary ni Pangulong Bongbong Marcos ay balitang ang hahalili sa kanyang puwesto ay si VG Marc Leviste?

Matatandaang mismong sa bibig na rin ni Marc nanggaling that local politics will have to take a back seat.

Mas itutuon daw ni Marc ang kanyang panahon sa pagtutok sa nobyang si Kris Aquino.

But to top it all, hindi raw maaatim ni Marc na kalabanin ang Star for All Seasons kung totoo ngang nais nitong tumakbong muli.

Ani Marc, por respeto na lang daw kay Ate Vi.

Matatandaang bago nanilbihang Lipa City Representative si Ate Vi ay tinapos muna niya ang kanyang tatlong termino bilang Gobernador ng Batangas.

That time, si Marc ang VG na kasangga ng aktres-pulitiko sa lahat ng mga proyekto sa lalawigan.

Malalaman natin sa darating na October, buwan ng filing ng mga certificate of candidacy, kung tototohanin nga ni Ate Vi ang kanyang plano.

Pero paano niya kaya hahatin ang kanyang katawan?

Hindi nga ba’t ginu-groom ni Ate Vi ang kanyang anak na si Luis Manzano for the mayoral post in Lipa City?

Puwera pa rito ang mga natanguang commitments ni Ate Vi tulad ng film project sa pamamahala ni direk Erik Matti.

Saan din papasok ang pagkakaroon ng time ni Ate Vi para sa kanyang apong si Baby Peanut na “lukong-luko” siya? Ronnie Carrasco III