MANILA, Philippines – IDINEKLARA ng Malakanyang ang araw ng Biyernes, Marso 20, 2026 bilang regular holiday sa buong bansa sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.
Ang anunsyo ay ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pakikiisa sa mga miyembro ng Muslim community at mga lider mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Grand Iftar sa Malakanyang, muling pinagtibay ang paggalang ng gobyerno sa tradisyon at kontribusyon ng mga Muslim Filipino.
Kinikilala ng deklarasyon ang kahalagahan ng Eid’l Fitr, tanda ng pagtatapos ng ‘holy month of Ramadan’, panahon na inilaan sa pagdarasal, pagninilay-nilay at pag-aayuno.
Samantala, ipinaabot naman ng Malakanyang ang pagbati sa Muslim community sa Pilipinas at buong mundo habang naghahanda ang mga ito sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr kasama ang pamilya at komunidad. KRIS JOSE