Home ENTERTAINMENT Marco, adik kay Heaven!

Marco, adik kay Heaven!

Manila, Philippines – Kung meron man daw isang espesyal na tao si Marco Gallo na nagpapakalma sa kanya, walang iba raw ito kundi ang love team partner niyang si Heaven Peralejo.

Sa set daw kasi ng pelikula nilang “The Ship Show”, may pagkakataon na nahirapan daw siyang magpokus at umarte dahil inatake siya ng anxiety.

Aniya, nakatulong daw na inalalayan siya ni Heaven para mapawi ang kanyang pangamba.

“Mayroon isang time po na parang nag–hindi naman sa nagwawala, anong tawag doon, parang getting annoyed– so mayroong– yeah I was having an anxiety attack tapos hindi po siya lumalabas. And I discovered na–I already knew na magaling siya na actress, and so I was learning from her, she was guiding me to it, to this scene na hindi ko magawa. And she really helped me out.

“And I’m super grateful for that–getting that from your partner as well is something to be grateful about,” aniya.

Sa ngayon, nananatiling walang label ang kanilang relationship.

Ayaw daw nilang madaliin ang lahat lalo pa’t patuloy ang pag-usbong ng kanilang magandang relasyon.

“Whatever we have now, we just want to make it right and take it really slow. There’s no rush, really,” ani Marco.

Hindi naman ikinaila ni Marco na bukod sa espesyal sa kanya si Heaven, wish daw niya na lagi itong nakikita.

Feeling niya, naaadik na siya sa kapareha kaya bet niya itong laging nakakasama.

May mga pagkakataon nga raw na minsang nag-hangout sila ay kinarir talaga niya na katagpuin ito kahit umuulan.

“There was this instance. When we decided to hang out—and it so happens that it’s usually during rush hour—I would go book a motorcycle taxi even if it’s raining. And one time, I even booked a delivery truck—and begged the driver to drive me—just so I could see her,” pagtatapos niya.

Ang tambalang MarVen nina Marco at Heaven ay mapapanood sa pelikulang “The Ship Show” ni Jason Paul Laxamana na palabas na sa mga sinehan sa buong bansa.

Ito ang follow-up project nila pagkatapos ng matagumpay na Viva One series na “The Rain in España.” Archie Liao