Manila, Philippines- Isa si Marco Gomez sa tampok sa pelikulang ‘Spring In Prague’.
Bida sa pelikula sina Paolo Gumabao bilang si Alfonso Mucho na isang resort owner sa Puerto Galera at ang Czech-Macedonian actress na si Sara Sandeva sa papel ni Maruska Ruzicka.
Sa red carpet premiere ng pelikula sa Uptown Cinema sa Bonifacio Global City, sinabi ni Marco na iba mag-alagang ang production.
Nakangiting pahayag ng aktor, “Sobra-sobrang sarap.
“Sobrang sarap nila makasama sa trabaho, tapos it’s so nice seeing myself without showing my butt. First time kong ganito na walang pakita ng puwet,” nakatawang biro pa ni Marco.
Pahayag pa ng hunk actor, “Pero it was a great experience working with the whole casts, and to our director.”
Nang tanungin namin siya after ng Q & A sa sinabi niya na hindi siya nagpasilip ng puwet sa movie, ito ang tugon niya sa amin: “Oo nga po, nanibago ako dahil hindi ako nagpakita ng puwet dito sa movie,” natatawang sambit pa niya sa amin.
Although nagsimula bilang member ng all male sing and dance group na Clique V., mas nakilala noon si Marco sa mga sexy movies niya sa Vivamax.
Una siyang lumabas sa pelikulang ‘Mamasapano’.
Sa pelikula na Spring in Prague ay gumaganap si Marco bilang BFF ni Paolo at co-owner ng isang resort. Sila rin ay bahagi ng grupo na nagbibigay entertainment sa pamamagitan ng pagtugtog at pagkanta sa bar ng kanilang resort.
Ang Spring in Prague ay isang love story ng dalawang taong mula sa magkaibang culture. Pero sila ay pinagtagpo ng destiny na nagresulta ng isang wagas na pagmamahalan, kahit pa may tutol at balakid sa kanilang relasyon.
Bukod sa magandang pagkakagawa at mahusay na acting ng casts lalo na ng mga bida ritong sina Paolo at Sara, makikita rin sa pelikula ang ilan sa magagandang lugar sa Czech Republic at Puerto Galera and Tagaytay sa ‘Pinas.
Ang pelikula ay isinulat ni Eric Ramos at mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan. Tampok din sa pelikula sina Elena Kozlova, Ynah Zimmerman, Keahnna Reyes, Esel Ponce, at iba pa.
Anyway, si Marco ay alaga ni Ms. Len Carrillo ng 3:16 Events and Talent Management.
Siya ay lumaki sa Austria at isa ring magaling na singer. Martial artist ang aktor at black belter pa, kaya swak din na sumabak sa action movies si Marco. Nonie Nicasio