MANILA, Philippines – Isang 9-taong-gulang na bata ang nasawi matapos makuryente sa bumagsak na high-tension wire habang naglalaro sa ulan sa San Isidro, Abra.
Ayon sa pulisya, ang kawad mula sa ABRECO ay biglang naputol at tumama sa paa ng bata.
Agad siyang dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Giit ng ina ng biktima, matagal na nilang inirereklamo ang depektibong kawad pero hindi ito inaksyunan hanggang sa may nasawi.
Nagpaabot ng pakikiramay ang ABRECO ngunit itinangging may naunang report ukol sa linya. Patuloy ang imbestigasyon. RNT