Home ENTERTAINMENT Marco, inaming ‘di na friend si Edward!

Marco, inaming ‘di na friend si Edward!

Manila, Philippines- Sa guesting ni Marco Gallo sa Showbiz Update ni Ogie Diaz, natanong ang Viva artist tungkol sa estado ng friendship niya kay Edward Barber.

Si Edward kasi ay batchmate ni Marco noong nasa Star Magic pa ang huli.

Katunayan, sinabi noon ni Edward sa isang panayam na si Marco ang itinuturing niyang closest friends sa showbiz.

Na-miss nga raw niya ito noong magbakasyon si Marco sa Italya.

Na-appreciate rin daw niya ang pagiging honest nito at prangka kapag pinupuna siya.

Fast forward, sa naturang interview, inamin ni Marco na hindi na niya friend si Edward.

Aniya, nagbabago raw talaga ang tao.

Sa ngayon daw, iba na rin ang circle of friends nila lalo pa’t magkaiba na ang kanilang respective talent managenent.

Iba na rin daw ang kanilang mga interes at hindi na sila nag-uusap.Gayunpaman, nilinaw niya na hindi raw naman sila

magkagalit.

Si Marco ay mapapanood sa pelikulang “The Ship Show” kung saan katambal niya ang love team partner na si Heaven Peralejo na showing na simula sa Agosto 9 sa mga sinehan sa buong bansa.

Mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, kasama rin sa cast sina Rabin Angeles, Bianca Santos, PJ Rosario, Angelic Guzman, Janine Teñoso, Migo Valid, Madeleine Red, Martin Venegas, Ashtine Olviga, at Tomas Rodriguez. Archie Liao