Home NATIONWIDE Marcos: ‘I work for the Philippines’

Marcos: ‘I work for the Philippines’

SINGAPORE- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. na hindi siya nagtatrabaho para sa anumang makapangyarihang bansa, kabilang ang Estados Unidos at China.

Inihayag ito ni Marcos sa bilateral meeting nitong Biyernes kasama si Lithuanian Prime Minister Ingrida Šimonyte sa pagpapahayag nila ng paninindigan sa pagpapairal ng international rules-based order sa pagsusulong ng kapayapaan at seguridad.

Pinag-aagawan ng Pilipinas at China ang West Philippine Sea habang pareho naman ang isyu ng Lithuania sa Russia.

“Over a hundred of years that we have been in contact in informal trade that has been going on. It’s still not balanced…All we want really, is the promotion of peace and the national interest,” wika ni Marcos.

“I don’t work for Beijing, I don’t work for Washington, I don’t work for Moscow. I work for Manila. I work for the Philippines and that’s what I need to promote,” dagdag niya.

Inihayag ni Marcos na nakikipag-alyansa ang ilang bansa sa iba pa upang mabigyan ng mas malakas na boses ang pagsuporta sa batas, at pagsusulong ng soberanya.

“And that we promote peace, that’s what we are trying to promote,” ani Marcos.

Iginiit naman ni Simonyte na suportado niya ang paninindigan ni Marcos.

“Absolutely. I think that, you know, small states matter. That will be my message tomorrow on the panel but not only small states matter, international law matter because this is a safety network for small states,” ayon kay Simonyte.

Kabilang sa mga usaping tinalakay ng dalawang pinuno ang political cooperation, economic cooperation, regional at global issues, kasama ang Indo-Pacific region. RNT/SA