Home NATIONWIDE Maritime territory ng Pinas didipensahan, mangingisdang Pinoy tutulungan – PBBM

Maritime territory ng Pinas didipensahan, mangingisdang Pinoy tutulungan – PBBM

MANILA, Philippines – PATULOY na idedepensa ng gobyerno ang maritime territory ng Pilipinas at tutulungan ang mga mangingisdang Pinoy.

Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kamakailan lamang na kaganapan sa West Philippine Sea (WPS) kung saan napaulat ang presensiya ng Chinese warship at ang kapansin-pansing surge sa ‘electronic communications disruptions’ na nakaaapekto sa Philippine vessels.

Bago lumipad patungong Canberra, Australia, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kasalukuyang situwasyon sa WPS ay “nakababahala”.

“Because there are two elements to that. One is that, dati Coast Guard lang ng China ang gumagalaw dun sa area natin, ngayon may Navyna, sumama pa ang mga fishing boat so nagbabago ang sitwasyon,” ayon sa Pangulo.

Sa kabila nito, pinananatili naman ni Pangulong Marcos na hindi niya bibitawan ang anumang Philippine territory.

Tiniyak din niya sa mga mangingisdang Filipino na patuloy ang suporta ng gobyerno.

“We will just really defend our maritime territory. We continue to support all our fishermen, our fisherfolk who make our living from this fishing groundsat patuloy naman natin tutulungan sila,” ayon sa Pangulo.

“So that’s the basic principle there, the fishers must be allowed to fish in their traditional fishing grounds which belong in the maritime territory of the Philippines,” dagdag na wika nito. Kris Jose

Previous articlePinagmulan ng comms interference sa WPS dapat talupan – Navy
Next articlePCGG nakapagbigay sa kaban ng bayan ng halos P3B sa 2023