Home NATIONWIDE Marlboro nalampasan ng IQOS; PMI top brand na

Marlboro nalampasan ng IQOS; PMI top brand na

143
0

NEUCHATEL, SWITZERLAND – ANG IQOS ang itinuturing ngayon na top tobacco brand ng Philip Morris International.

Ito’y matapos na malampasan ng IQOS ang ‘net revenues’ ng iconic na Marlboro.

Nalampasan na kasi ng IQOS, flagship heated tobacco product ng PMI ang global net revenue ng Marlboro sa halos isang dekada mula nang ilunsad ito noong 2014, binigyang diin ang ‘commitment’ ng kompanya na lumayo mula sa sigarilyo.

“For the first time in history, the smoke-free product surpassed the cigarette combustible product,” ang sinabi ni PMI Chief Executive Officer Jacek Olczak sa Technovation event, idinaos noong Oktubre 9, 2024 sa Neuchatel, Switzerland.

Taong 2014, gumawa ng mapangahas na anunsyo ang PMI ukol sa pag-abante sa ‘smoke-free’ sa pamamagitan ng palitan ang sigarilyo ng mas mahusay na mga alternatibo sa lalong madaling panahon.

Sa kapareho pa ring taon, ipinakilala ng kompanya ang IQOS sa Milan, Italy at Nagoya, Japan. Ang IQOS ay makikita na sa 90 bansa at ginagamit ng 30.8 milyong indibiduwal sa buong mundo.

Ayon sa pinakabagong pinagsamang ulat ng PMI, 38% ng kabuuang net revenue ng kompanya ay mula sa smoke-free business nito.

Ang IQOS, nangungunang smoke-free product ng PMI, gumagamit ng induction technology para painitin ang tunay na tobacco sa halip na sunugin ito. Dahil hindi nito masusunog ang tobacco, ang nasabing mga produkto ay smoke-free—nagpo-produce ng isang nicotine-containing aerosol na talaga namang ibang-ibang mula sa usok ng sigarilyo. Ito’y walang usok at walang abo.

Tinuran pa ni Olczak na hindi kailanman itinuring ng PMI ang IQOS bilang isang karagdagan sa umiiral na negosyo nito, kundi isang replacement o kapalit sa mga sigarilyo nito “because it doesn’t make sense to keep on focusing on the product with all the negatives when you have a product which can deliver similar satisfaction from a consumer perspective, but then with a completely, completely different harm profile.”

Sinabi naman ni Tommaso Di Giovani, Vice President for International Communications and Engagement ng PMI sa isinagawa nitong presentasyon na ang PMI ay namuhunan ng mahigit sa US$12.5 billion at nagpatrabaho sa mahigit sa 1,500 engineers, scientists, technicians, at support staff para sa patuloy na development ng smoke-free product line nito.

Sa layunin nito na makapagbigay ng mas mahusay na mga alternatibo sa 1.1 billion smokers sa buong mundo, tanggap ni Olczak na ang mga tao ay mayroong iba’t ibang mga inaasahan sa mga alternatibong produkto, iba’t ibang paggamit at ginamit na patterns.

Sa Pilipinas, ang PMI sa pamamagitan ng local affiliate nito na PMFTC Inc. ipinakilala ang IQOS noong 2020. Dala nito ngayon ang ‘latest iteration’, ang IQOS Iluma at ang consumable heat sticks nito na TEREA. Isang mas abot-kayang brand sa heated tobacco product category, ang BONDS ng IQOS at consumable heat sticks nito na BLENDS ay inilunsad noong 2022.

Samantala, ang ZYN, ang oral nicotine pouch ay ginawang available sa bansa noong nakaraang taon, 2023.

Gayunman, binigyang-diin ni Di Giovanni na upang mas maging mabilis ang layunin, may papel na gagampanan ang iba’t ibang sektor sa lipunan.

Sa kabilang dako, sa isang ekslusibong panayam kay Di Giovanni ng mga bumisitang Filipinong mamahayag, tinukoy ang Pilipinas bilang isang ‘pioneer’ sa mga tuntunin ng batas lalo na sa pagpasa ng Vape Law.

Sinabi pa ni Di Giovanni na ang Pilipinas ay isang “very promising market” pagdating sa mga nasabing produkto.

Samantala, binigyang diin ni Olczak, na hindi magagawa ng PMI na maisakatuparan ang smoke-free vision sa mga bansang ban o ipinagbabawal ang smoke-free alternatives. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here