Manila, Philippines – May kasabihan ngang: “If you have it, flaunt it!”
Obyus na ito rin ang mantra na sinusunod at isinasabuhay ni Xyriel Manabat.
Sa kanyang Instagram account, Xyriel posted: “Less than 5 ft but still slayin’!”
Sa bandang dulo nito’y may red lips emoji.
Bale ba, the post came with Xyriel’s photo na talaga namang nagmumura ang hubog ng kanyang pangangatawan.
Dahil takaw-atensyon ‘yon, hindi na nakapagpigil ang isang netizen na mag-post ng: “‘Di ba puwedeng pabawasan? Parang ang bigat dalhin!”
Obyus na ang tinutukoy nito’y ang malulusog na bumpers ng aktres.
Ikinaimbyerna ni Xyriel ‘yon who retaliated: ”’Di ba puwedeng manahimik? Ang stupid mag-comment, eh!”
Nakahanap naman ng mga kakampi si Xyriel.
Sabay-sabay kinuyog ng mga ito ang commenter.
Sey ng isa: “Her body, her rules!”
Nag-second the motion naman ang isa pa: “Para kasing walang pinag-aralan, eh!”
Still another netizen agreed: “Snap out of it, hindi naman ikaw ang nabibigatan!”
Kung matatandaan, minsan na ring inamin ni Xyriel na masakit daw sa bandang likod ang pagkakaroon ng “oversized boobs.”
Looking back, ganito rin ang reklamo noon ni AJ Raval kung kaya’t pinatanggal niya ang kanyang breast implant noong aktibo pa siya sa paggawa ng mga daring movies sa Vivamax. Ronnie Carrasco III