Home ENTERTAINMENT Dating jowa ni Pia, may panawagan kay Coco!

Dating jowa ni Pia, may panawagan kay Coco!

244
0

Manila, Philippines – Kilalang may espesyal na puwang sa puso ni Coco Martin ang mga kasamahan sa industriya na nangangallangan ng trabaho.

Hindi na nga yata mabilang ang mga artista o personalidad na in between jobs na nabigyan ng pagkakakitaan ni Coco sa kanyang mga teleserye.

This dates as far back noon pang FPJ’s Ang Probinsyano at magpahanggang ngayon sa Batang Quiapo.

Isa na namang personalidad ang kumakatok sa puso ng actor-director– si Gerry Gonzalo.

Si Gerry ay ang dating asawa ni Pia Pilapil who began his career as a model.

Tinanghal muna siyang winner sa Bodyshots noong 1989, kung saan ang naging first runner-up ay si John Estrada.

Muntik nang pumalaot sa showbiz si Gerry, nais pa nga sana siyang i-manage noon ni Douglas Quijano.

But a car accident changed the course of his life.

Taong 1989 din–tired from his training in Dragon Boat with his teammates who included Richard Gomez–Gerry’s car rammed a steel Meralco post on Ortigas Extension.

Butas at basag ang winshield ng kanyang sasakyan, glass splinters were all over his face.

Brought to a nearby hospital by a tricycle driver, napinsala ang kanang mata muna ni Gerry whose eyeball was punctured.

‘Di naglaon, apektado na rin ang kanyang kabilang mata despite 11 surgeries.

The car crash rendered Gerry totally visually impaired.

Sa vlog interview ni Julius Babao, nagpahayag si Gerry na kung may offer si Coco sa kanya to appear on BQ: “I’ll grab it!”

Nasanay maging independent, hangga’t maaari daw ay ayaw maging pabigat ni Gerry sa apat nilang anak ni Pia–from whom he got separated.

Either he lands a job here o sa Canada where his brother is based ang option ni Gerry.

Ang maganda lang kay Gerry, sa kabila ng kanyang kalagayan ay hindi humuhulagpos ang kanyang pag-asa that no matter what, lifs goes on.

Harinawa’y makarating ang panawagang ito ni Gerry kay Coco, na hindi na mabilang ang mga taong natulungan at patuloy na tinutulungan sa abot ng kanyang makakaya.

Let Coco continue to serve as a blessing to others. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here