MANILA, Philippines – Nilinaw ng depensa ni Vice President Sara Duterte na hindi bahagi ng kanilang depensa si Mary Grace Piattos, ang umano’y tumanggap ng confidential funds ng bise presidente.
Ayon kay Atty. Michael Poa, isa sa mga abogado ni Duterte, “For clarity, this is inaccurate. I have not made any such statement, nor have I confirmed or announced any such course of action.”
Noong Pebrero 4, sinabi ni Poa na handa silang sagutin ang lahat ng paratang laban kay Duterte, kabilang ang kontrobersiya tungkol kay Piattos. “We are prepared to address all allegations, including confidential fund issues. Kasama na dyan yung paratang on names such as Mary Grace Piattos,” aniya.
Ang bise presidente ay nahaharap sa panibagong impeachment complaint, na inendorso ng mga miyembro ng House para sa ikalawang pagkakataon mula nang siya ay manungkulan apat na taon na ang nakalipas.
Kahit na pinawalang-bisa ng Korte Suprema ang naunang impeachment case, hindi pa rin ligtas si Duterte sa posibleng pagtanggal sa puwesto. RNT/MND