Home NATIONWIDE Mas mababang kontribusyon para sa 4Ps beneficiaries binubusisi ng SSS

Mas mababang kontribusyon para sa 4Ps beneficiaries binubusisi ng SSS

MANILA, Philippines- Pinag-aaralan ng Social Security System (SSS) ang posibleng paglikha ng special contribution table para sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), target kasi nito na makapagbigay ng low-cost insurance sa 4.4 milyong benepisaryo ng programa.

Sinabi ng SSS na makikipag-ugnayan at makikipagtulungan ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magbigay ng saklaw sa vulnerable sectors ng lipunan, may programa na idinesenyo para sa 4Ps beneficiaries.

“SSS aims to provide these vulnerable sectors with the mechanism to become active SSS members and thereby secure their future through the range of SSS benefits,” ayon kay SSS president at chief executive officer Rolando Macasaet.

“We may also craft a special SSS contribution table for 4Ps beneficiaries tailored to fit their paying capacity considering the current minimum monthly contribution of P570,” dagdag nito.

Tinitingnan din ayon kay Macasaet na bawasan ang P570 minimum monthly payments para sa 4Ps beneficiaries, at makikipag-usap sa mga negosyante para sa posibleng subsidiya sa pamamagitan ng “corporate social responsibility programs.”

“For the poorest families like 4Ps recipients, paying P570 a month might already be a big amount. They might not be able to complete the minimum monthly contributions required to qualify for a lifetime pension,” ang sinabi ni Macasaet.

“We have a contribution subsidy provider program (CSPP), wherein a private or government individual or group can subsidize the monthly contributions of identified SSS members. We will pitch to companies willing to sponsor SSS contributions to subsidize the monthly premiums of 4Ps beneficiaries,” patuloy niya.

Gayunman, winika pa ni Macasaet na ang mas mababang monthly premiums ay magreresulta sa mas mababang benepisyo kung saan ang mga miyembro na nagbabayad ng P570 minimum para sa 120 buwan ay makatatanggap ng P2,200 kada buwan.

Ang isa pang opsyon ay mag-ambag ang mga ito sa loob ng 180 buwan para makapag-avail ng monthly pension.

Naghahanap din aniya ang ahensya ng ibang opsyon para tulungan ang 4Ps beneficiaries na bayaran ang 120 monthly contributions na rekisitos para sa kanila upang maging kwalipikado para sa lifetime pension kapag naabot na nila ang retirement age.

“It is important for 4Ps beneficiaries to have SSS contributions. Once they have paid at least 120 monthly contributions, they will no longer need financial support from the government because they will become qualified to receive a monthly pension from SSS upon reaching 60 years old,” ang sinabi ni Macasaet.

Nauna rito, tinintahan ng SSS ang isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang DSWD, binibigyan ang 4Ps beneficiaries ng access sa low-cost social insurance saklaw ang income loss and sickness, bukod sa iba pa, na may monthly premium na pinapasan ng mga benepisaryo.

“We will immediately work on the appropriate mechanism for registration, contribution collection, benefit claims, and other essential details needed to implement the program knowing the importance of SSS membership to 4Ps beneficiaries,” anang opisyal.

Sa ilalim ng mandato nito, may tungkulin ang SSS na isulong ang social justice at magbigay proteksyon sa mga miyembro at pamilya laban sa “hazards of disability, sickness, maternity, old age, death,” at iba pang contingencies na nagresulta ng kawalan ng kita o financial burden. Kris Jose