MANILA, Philippines- Inihayag ng state weather bureau PAGASA nitong Martes na kasalukuyang umiiral ang La Niña condition sa Tropical Pacific, na maaaring magdulot ng mas mataas na posibilidad ng above-normal rainfall sa bansa.
Base sa PAGASA, nagsimula ang above-average cooling ng sea surface temperatures (SSTs) sa Pacific Ocean noong September 2024 at lumakas bilang La Niña phenomenon noong December 2024. Inaasahang iiral ito mula January 2025 hanggang March 2025.
“With this development, higher chances of above normal rainfall in January – February – March 2025 season is expected, which may cause floods, flashfloods and rain-induced landslides,” anang PAGASA.
“Furthermore, increased chance of tropical cyclone activity within the Philippine Area of Responsibility (PAR) during the period is likely,” dagdag nito.
Inihayag pa ng weather bureau na patuloy nitong babantayan ang developments na may kaugnayan sa climate phenomenon at pinayuhan ang publiko at kaukulang government agencies na mag-ingat sa La Niña.
Noong Hulyo, itinaas ng PAGASA ang La Niña alert sa gitna ng paglamig sa SST sa central at eastern Pacific Ocean.
Subalit, sinabi ng weather bureau nitong buwan na ang “necessary activity threshold” ay hindi pa naaabot para magdeklara ng La Niña season, subalit idinagdag na posibleng makaranas ang bansa ng La Niña-like conditions hanggang Marso. RNT/SA