Home NATIONWIDE Mas mahigpit na implementasyon ng election gun ban ipinakakasa ng CHR

Mas mahigpit na implementasyon ng election gun ban ipinakakasa ng CHR

MANILA, Philippines- Hinimok ng Commission on Human Rights ang mahigpit na pagpapatupad ng 2025 election gun ban at mas malakas na security protocols para sa campaign activities kasunod ng serye ng election-related attacks, kabilang ang pagpaslang sa isang mayoral candidate.

Kasunod ito ng pagpatay kay Rizal, Cagayan Mayor Joel Ruma noong April 23 sa isang campaign sortie. Sugatan din ang ilang sibilyan sa insidente. Ini-refer ang kaso sa CHR Region 2 para sa masusing imbestigasyon.

“CHR vehemently condemns the fatal shooting incident that transpired during a campaign sortie,” pahayag ng Komisyon nitong Biyernes. “As the country’s independent national human rights institution, we reaffirm that all forms of violence are unjustifiable—especially when they violate the most basic of human rights: the right to life.”

“In light of frequent election-related violence across the country, CHR reiterates the urgent need for proactive and preventive action,” anito pa, ipinanawagan ang mas mahigpit na implementasyon ng gun ban at pinahusay na security measures tuwing kampanya.

Binigyang-diin ng komisyon na mahalaga ang mga hakbang na ito hindi lamang sa pagprotekta ng buhay, kundi sa pagpreserba ng public confidence sa electoral process.

Kinilala rin nito ang mabilis na pagresponde ng mga lokal na awtoridad sa insidente sa Rizal at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanagot sa mga salarin, habang tinutugunan ang ugat ng political violence.

Nanawagan din ang CHR sa lahat ng sektor na tiyakin ang ligtas at inklusibong inclusive democratic environment. “In a democracy, safeguarding the sanctity of elections is a shared duty that requires vigilance, resolve, and solidarity,” anito. RNT/SA