Home METRO Pulis todas sa pananambang

Pulis todas sa pananambang

238
0

PANGASINAN- Binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital ang isang pulis matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek, kamakailan sa bayan ng Sta. Barbara.

Kinilala ang biktmang si Police Staff Sergeant Renato Alvarado Jr., kasapi ng inter-operative and drug enforcement team.

Batay sa report Sta. Barbara Municipal Police station, naganap ang krimen noong Linggo Abril 19, 2025 sa Barangay Maningding, ng naturang bayan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo nang bigla na lamang itong dikitan ng suspek na nakamotorsiklo saka pinagbabaril.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima subalit makalipas ang ilang araw ay nalagutan din ito ng hininga sanhi ng mga tama ng bala ng .40 kalibre na baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon kay Police Colonel Rollyfer Capoquian, Pangasinan Police Provincial Director, patuloy ang ginawang nilang masusing imbestigasyon para malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para agaran pagdakip. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here