MANILA, Philippines -TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mas malakas na agricultural cooperation kasama ang Chile at mas malapit na pagtutulungan sa World Health Organization (WHO) pagdating sa post-pandemic era.
Ito’y matapos na magkaroon ng hiwalay na pakikipagpulong sina Chilean Foreign Minister Alberto van Klaveren at WHO Regional Director for the Western Pacific Dr. Saia Ma’u Piukala kay Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes.
Sa naging pulong ng Pangulo kay Van Klaveren, nagpahayag ng kanyang intensyon si Pangulong Marcos na palakasin ang ugnayan at pagtutulungan sa Chile sabay sabing “the best way forward in this very interconnected world.”
“Although physical distance used to be a problem or an obstacle, that does not apply any longer. So, I think there is much that we can do to further the relations and the partnerships between our two countries,” ang sinabi Van Klaveren, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Umaasa naman ang Pangulo na mas lalalim pa ang relasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan ng pagtutulungan partikular sa kalakalan, investment, at agrikultura.
Winika pa ng Pangulo na maaaring mag-tie up ang Pilipinas sa Chile para palakasin ang agriculture sector lalo na sa pagbubungkal o paglilinang ng cacao at pagpo-proseso.
“Because it is becoming a very important crop, slowly becoming an important crop, we are trying to promote it. And you have, I think, the best technologies when it comes to that product,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Winika naman ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque na dumalo rin sa courtesy call ni Van Klaveren na ang isda at mineral na ini- export mula Mindanao ay kinokonsidera rin.
“(There are) skin beauty products and other things that we can (explore)… also the agriculture sector and the seafood products that we can export to them,” ang sinabi ni Roque, tinukoy ang deep-sea port na binuksan sa Peru para sa kapakinabangan ng Asian products na papunta sa South America.
Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang Chile para sa pagkumpirma ng suporta nito para sa Pilipinas para sa bid nito sa United Nations Security Council (UNSC) para sa 2027-2028 term, kapalit ng support ng bansa para sa kandidatura ng Chile sa pareho ng body para sa 2029-2030 term.
Sinabi naman ni Van Klaveren na ang maikling pamamahagi sa Pilipinas ay “very productive” dahil nagawa nitong matalakay kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang bilateral relations ng dalawang bansa at maging ng ibang regional at global issues.
Itinatag ng dalawang bansa ang diplomatic relations ng mga ito noong July 4, 1946.
Noong nakaraang taon, ang Chile ang pang- 49th trading partner mula sa bilang na 230, pang-47th export market mula sa bilang na 205, at pang- 50th import supplier mula sa 221 ng Pilipinas.
Samantala, umaasa naman si Pangulong Marcos para sa pinaigting na pagtutulungan sa WHO sa post-pandemic era.
“I’m sure (Health) Secretary Ted (Herbosa) has explained to you what the Philippines has been trying to do, especially (on) post-pandemic lessons learned. So, whatever guidance that the WHO can provide us is something that we will certainly welcome,” ang sinabi ng Pangulo kay Piukala sa isang ihiwalay na miting sa Malakanyang.
Si Piukala ay nahalal sa Regional Committee para sa Western Pacific noong Oct. 2023 at itinalaga sa WHO Executive Board noong January ngayong taon. Nagsimulang manungkulan noong Pebrero 1.
Bilang regional director, pangungunahan ni Piukala ang WHO Western Pacific Regional Office sa trabaho nito kasama ang gobyerno at ang partners nito sa iba’t ibang Western Pacific para paghusayin ang regional health outcomes at tiyakin ang kaligtasan ng populasyon sa rehiyon. Kris Jose