MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakikita nito ang pagtaas ng ‘people-to-people exchanges’ sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.
Binigyang-diin ng Chief Execuive ang malakas at matatag na relasyon ng dalawang bansa.
Inihayag ito ni Pangulong Marcos sa pakikipagpulong kay UK Secretary of State for Foreign, Commonwealth, and Development Affairs David Lammy sa Palasyo ng Malakanyang.
Iginiit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagtaas ng kabuhayan at trabaho ng mga pinoy sa UK, ihatid kay Lammy ang pasasalamat ng mga Filipino na nakabase sa UK sa mainit na pagtanggap sa kanila.
“That’s a very clear indication of how strong our relations have become in many, many areas. So, I’m sure your visit will be a symbol of that strengthening relationship,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Lammy.
Ayon sa impormasyon mula sa Presidential Communications Office (PCO), may 200,000 Filipino sa UK, na nagtatrabaho sa iba’t ibang sektor kabilang na ang IT, aviation, hospitality and service, at healthcare.
Idagdag pa rito, ang pagsirit ng bilang ng mga Filipino engineers at IT experts na nagtatrabaho sa British telecommunications, software, at e-commerce solutions companies ay naobserbahan simula pa noong 2001.
Si Lammy ay nasa Pilipinas para i-promote ang pagpapalakas ng partnership sa pagitan ng Pilipinas at UK.
Sa kabilang dako, kabilang naman sa mga usapin na tinalakay nina Pangulong Marcos at Lammy sa nasabing miting ay ang ‘trade and investments, maritime, climate change, at environment.’
Samantala, kapuwa naman nilagdaan nina Lammy at Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ang Philippines-UK Joint Framework na “that is envisioned to chart the depth and direction of their Enhanced Partnership across various areas in the coming years.”
“Today, we’re charting a new course for our relationship amidst a lot of global volatility, and we must strengthen ties with like-minded partners, like the Philippines,” ang sinabi ni Lammy.
Sinabi naman ni Manalo na napagkasunduan nila na panatilihin ang pagtutulungan sa mga usapin na may kinalaman sa mutual concern gaya ng ‘defense and security, human rights, maritime, at economic resilience.’ Kris Jose