Home NATIONWIDE Mas maraming ‘specialty centers’ itatayo sa Pinas

Mas maraming ‘specialty centers’ itatayo sa Pinas

MANILA, Philippines – MAHIGIT sa P11 billion ang gagamitin para sa gagawing pagtatayo ng mas maraming “specialty centers” sa buong bansa ngayong taon.

Sa video message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naka-post sa social media, sinabi ng Pangulo na “as of December 2023”, nakapagtayo na ang pamahalaan ng 131 specialty centers kung saan P11.12 billion ang inilaan para sa pagtatayo naman ng ms maraming center ngayong taon.

“Noong Aug. 24, 2023, pinirmahan ko ang Republic Act No. 11959 known as the Regional Specialty Centers Act. Ito’y mga ating specialty centers, specialty hospitals sa iba’t ibang lugar,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sa ilalim ng batas, itinalaga ang Department of Health (DOH) para magtayo ng specialty centers sa mga ospital nito sa bawat rehiyon at sa state-controlled specialty hospitals, prayoridad ang cancer care, cardiovascular care, lung care, renal care at kidney transplant, brain at spine care, trauma care at burn care.

Ang mga center ay espesyalista sa orthopedic care, physical rehabilitation medicine, infectious disease and tropical medicine, toxicology, mental health, geriatric care, neonatal care, dermatology, eye care, at ear, nose at throat care.

Para sa mga doktor sa Barangays program, winika ng Pangulo na 91% ng munisipalidad ay mayroong ng medical doctors na itinalaga para tumingin sa kalusugan ng mga residente.

“Ang programang ito ay in-expand to 204 out of 218 municipalities naman. Ang katumbas niyan ay 91 percent na ng municipalities ay masasabi nating may nag-aalaga na doctor,” ayon sa Chief Executive.

“Kaya’t napaka importante nito, patuloy pa itong programang ito para naman masabi natin na talaga nating binabantayan ang kalusugan ng ating mga mamamayan,” dagdag na pahayag ng Pangulo. Kris Jose

Previous articlePBBM sa AFP: Pagsisikap laban sa mga banta kabilang sa WPS, i-reconfigure
Next articleP300K reward alok sa pagresolba sa dentist-politician slay sa Mindoro