MANILA, Philippines – Nanawagan si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga lokal na kandidato na maging maingat sa mga binibitawang salita at biro sa panahon ng pangangampanya, lalo na ang biro sa marginalized sectors.
“[U]sing our vulnerable, poor, and marginalized sectors as the butt of jokes is not the way to go. Let’s not underestimate voters. They may laugh, but that doesn’t mean they’ll vote for you,” saad sa Facebook post ni Gatchalian.
“Engage them by telling them what you will do for them, rather than making them the punchline of your jokes. Hindi dahil natatawa sila ay ibig sabihin iboboto nila tayo,” aniya.
Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng viral video ni Pasig congressional candidate (lone district) Atty. Christian Sia kung saan nagbiro ito na sa loob ng isang taon ay maaaring sumiping sa kanya ang mga single mother.
Bagamat hindi pinangalanan ni Gatchalian ang naturang kandidato, iginiit nito na ang mga solo parent ay “real-life heroes who put food on the table against all odds.”
“They raise their children alone through sheer sacrifice. Let’s not marginalize them further. As DSWD Secretary, I simply do not find this funny,” aniya.
Nauna nang sinupalpal ni Pasig City Councilor Angelu De Leon ang naging pahayag ni Sia, na nataon pang katatapos lamang ng International Women’s Month.
“Ang pagkakaroon ng respeto at dignidad para sa iba, anuman ang kasarian o estado sa buhay, ay isang mahalagang prinsipyo na dapat isinusulong ng bawa’t isa, at mas lalo na sa mga nagnanais maglingkod sa ating pamahalaan at sa mga PasigueƱo,” ani De Leon.
Si De Leon ay tumatakbo rin sa Pasig bilang kandidato sa pagka-konsehal sa ikalawang distrito. RNT/JGC